Friday, November 21, 2008

Anak ng Pato

I was born and raised in Pateros. And I still live here. Wala na akong alam na ibang lugar na pwede kong tirhan kundi ang Pateros. Ang lolo kong si Mariano ay ipinanganak at namatay sa Pateros. Ganoon din ang tatay kong si Agripino. Di ko na inabutan ang mga pato sa Pateros. Sabi nila ay puno raw ng itik ang Ilog Pateros noon. Pero wala na akong inabutan. Kung anumang fried itik at calderetang itik ang kinakain sa Pateros, ang itik ay sa ibang lugar na nanggaling. Sabi nila ay halos hindi na nagbago ang Pateros. Sabi ko marami. Lalo itong lumiliit at sumisikip. Di ko na rin kakilala ang mga kapitbahay namin. Ang mga dating kapitbahay ay napalitan na ng kung sinusio at kung saansaan nanggaling.

No comments: